Paano iyon nangyari?
Napagtanto ni Olena sa kaniyang gulat na nalason siya. Masama niyang tinitigan si Darryl. “Ang lakas ng loob mong lokohin ako!”
Nakangising sumagot si Darryl. “Miss Olena, patas ang lahat sa digmaan at pagmamahal. Inaresto moa ko, maayos na ganting atake ang sagot ko.”
“Hay*p!”
Sumigaw si Olena. Plinano niyang saksakin si Darryl gamit ang patalim pero hindi niya magawang magkaroon ng lakas. Kaagad na bumagsak sa sahig ang patalim nang itaas niya ang kaniyang kamay.