Agad na namula ang mga mata ni Dax nang makita niya ang pagsugod ng mga sundalo ng South Cloud World sa kanila. Dito na siya sumigaw habang nagpapakita ang Sky Breaking Axe sa kaniyang kamay. Agad na nabuo ang isang kulay gintong liwanag sa harapan nito.
At pagkatapos ay agad na tumakbo paabante si Dax para tumayo sa harapan ng Empress.
“Huwag na huwag ninyong iisipin na manakit ng kahit na sinong miyembro ng pamilya Carter hangga’t humihinga pa ako rito!” Desperadong isinigaw ni Dax habang na