“Anong klase ng technique iyan?”
Kasabay nito ang pagkagulat ng mga elite ng iba’t ibang mga naglalakihang sekta sa Nine Mainlands. Takot na takot na pinanood ng mga ito ang paglutang ni Ileana sa gitna ng ere.
Boom!
Tumama ang anino ng espada sa kalansay na sinundan ng isang napakabayolenteng dagundong. Dito na napaatras ang kalasay ng ilang dosenang mga hakbang. Mabilis ding nagkalamat ang kinatatakutan nitong kakayahan sa pagdepesa bago ito magkapirapiraso at bumagsak sa lupa. Gumawa an