Huminga naman nang malalim at nagkunwaring natatakot si Barlow.
“Kamahalan, kumala po kayo. Sa-sasabihin ko na po sa inyo… Sa totoo lang ay hindi po talaga ako nagpunta rito para imbestigahan kayo. Inutusan po ako ni Sect Master Darby na humingi ng mga karagdagang sundalo sa ibang mga kontinente. Kinailangan ko rin po magdala ng isang mapa dahil sa kumplikadong kapaligiran ng Dark Cloud City para matulungan ang mga darating na sundalo sa area na kanilang pupuntahan. Isa lang po akong mensahero.