Kailangan pang makarecover ni Lily, lalala ang sitwasyon nito kung hahawakan nila ang sugat nito.
Pero walang pakielam ang mga lalaki sa kaniya at pinalibutan nila ang hospital bed.
“Anong nangyayari dito?”
Malalim na boses ang nagmula sa pinto nang sandaling iyon.
Naglakad ang lalaki papasok.
Si Darryl.
Mabilis na tumayo si Samantha nang makita niya ito, “Iyan ang manugang ko, siya ang magbabayad sa utang ko! Siya ang singilin nyo o di kaya’y balian niyo siya ng binti kung wala siyang pam