Agad na nagtanong si Sara nang makita niya ang itsura ni Andy, “Ano ang problema, Kuya Andy?”
Kasabay nito ang pagtingin ng lahat kay Andy.
Ibubuka na sana ni Andy ang kaniyang bibig para magsalita nang bigla itong putulin ng isang nanlalamig na tawa sa kaniyang harapan.
"Tsk, tsk…"
Narinig niya na nagmula ang pagtawa na iyon sa mga inukitang bato sa kanilang harapan. Dito na biglang nabuhay ang mga inukitang bato sa harapan ni Andy. Umikot at tumalikod nang kaunti ang mga ito bago mabuo ang