Whoa!
Nag-ingay ang mga manonood.
“Anong meron sa kanila?”
“Totoo bang kasabwat nila ang King of the Dead?”
“Hay*p! Halos maloko nila ako. Sayang! Ang gaganda pa naman nila…”
Kaunti lamang ang kaalaman ng mga tao tungkol sa Nine Saint Oracles at wala silang alam tungkol sa Nascent Power. Kaya naman pinaniwalaan nila ang mga sinabi ni Lord Kenny. Akala nila’y isang kakaibang marka para sa mga tagasunod ng King of the Dead ang Nascent Power na nakita mula sa kanilang katawan.
“Nabunyag