Bang!
Masyadong naging mabilis si Florian kay Chester kaya huli na ang lahat para mailagan nito ang pagatake ni Florian. Agad na tumama ang suntok ni Florian sa katawan ni Chester kaya agad itong sumuka ng dugo habang lumilipad palayo sa tindi ng puwersang tumama sa kaniyang katawan.
Bang!
Tumilapon si Chester ng ilang daang metro palayo habang sumisirit ang kaniyang dugon a parang ulan bago ito tuluyang tumama sa lupa. Halos mawalan na siya ng malay sa tindi ng sakit na kaniyang naramdaman.