Agad na nagrelax ang itsura ni Tina nang marinig niya iyon.
Iginalang ng lahat sa Holy Saint Sect si Tina mula noong maging Sect Master ng kaniyang master. Kaya agad na gumagawa ng paraan ang mga baguhan para makuha ang kaniyang pabor, at mukha ring naeenjoy niya ang ginagawa ng mga ito.
Natawa naman dito si Darryl.
Inakala niya na nagpunta ang tatlo rito para magbalita ng importanteng bagay. Mukhang gusto lang pala ng mga itong magbigay ng regalo.
“Anong tinatawa tawa mo riyan, Joson?”