Namangha si Darryl; lumampas si Sonya sa linya pero hindi manlang ito nag-alala para sa lalaki. Natawa sa loob si Darryl at inasar ito. “Kalimutan mo na! Kailangan kong magpahinga kung ayaw mor in naman.”
“Gaano katagal mo gustong magpahinga?” Iritableng tanong ni Sonya.
Nagkunwaring nag-isip si Darryl. “Kailangan ko ng ilang oras. Alam mo naman na nakakatakot ang mga makaliskis na tinik na iyon; halos nadale ng mga ito ang meridians ko.”
“Urgh…” Hindi napakali si Sonya sa kaniyang narinig