Agad na tumigil sa pagsuntok si Xavier. “Oh, Ms. Katherine,” Tumawa siya habang tinitingnan mula ulo hanggang paa si Katherine. Napakacharming talaga nito, mas lalo pa siyang naging attractive sa pagkamature na kaniyang ipinapakita.
Nakahinga na rin nang maluwag si Lily. Mabuti na lang at dumating sa tamang oras si Ms. Katherine. Dahil kung hindi, siguradong makakatanggap ng pambubugbog mula rito si Darryl.
Sabagay, isa pa ring teacher si Xavier. Kaya paano magagawang lumaban ni Darryl dito?