Tatlong taon nang naging reyna ng Raksasa si Natalie kaya hindi na siya katulad ng dati na isang impulsive na prinsesang ginagawa ang lahat ng kaniyang gustuhin.
Tinanggap na nito ang mga hamon mula sa pagkakaroon ng mga mapagrebeldeng mga tagasunod nang hindi nawawala ang kaniyang postura. Dito na siya suminghal habang hindi nagpapakita ng kahit na anong emosyon ang kaniyang mukha. “Well, well, well! Mukhang mas pinili ninyong lahat na pumanig kay Jack at maging isang rebelde. Kung ganoon ay