Hiss!
Dito na tuluyang natahimik ang buong bilangguan! Napasimangot ang lahat habang tinitingnan nila si Fang Mao!
“Ma… Masyado siyang direkta. Personal na siyang inimbitahan ng Master pero nagawa pa rin niya itong tanggihan. Hindi lang iyon dahil nagawa pa niyang sabihan ng demonyo si Master!”
“Mukhang pagod na pagod na siyang mabuhay!”
Dito na dumilim ang mukha ni Zhang Jue. Naramdaman niya na para bang nainsulto siya sa harapan ng kaniyang mga disipulo.
Hindi na nagawang huminga ng