Hindi na nagdalawang isip pa si Darryl. Agad niyang sinuntok si Fang Mao.
Dito na kumislap anmg mga mata ni Fang Mao, hindi nito nagawang iwasan o salagin ang pagatake ni Darryl. Agad niyang nilabas ang kaniyang palad para direktang sagupain ang pagatake ni Darryl. Dito na nagtama ang mga palad ng dalawa!
Wow!
Agad na natigilan at naguluhan ang lahat ng nakasaksi nito.
“Ano ang ginagawa nilang dalawa? Nakikipaglaban ba siya kay Darryl gamit ang kaniyang internal energy?”
“Mukhang masyado nang inooverestimate ng Sect Master ng Sky Mountain Sect ang kaniyang sarili.”
Kilala si Darryl bilang isang napakalakas na mandirigma sa Nine Mainlands nitong nakalipas na tatlong taon. Hindi na magagawang maimagine ng kahit na sino ang tindi ng kaniyang internal energy. Kasalukuyang nakikipaglagban ngayon ang Sect Master ng Sky Mountain Sect kay Darryl na para bang gusto na nitong hanapin ang kaniyang kamatayan.
“Gusto mong makipaglaban gamit ang iyong internal energy sa akin? Sino ang nagbiga