Naiba ang iniisip ni Darryl; ang tatlong magkakapatid ang nakahanap ng lugar kaya normal lang na makita si Clarice doon.
Buong alerto niyang tiningnan ang paligid. "Nandito si Clarice. Eh ‘di andito din mga kapatid niya? Nagtatago sa isang sulok?'
Sa pagkakataong iyon, nakita rin ni Clarice si Darryl. Isang piraso ng lumbay ang sumilay sa kanyang mga mata, ngunit napakabilis niyang kumalma.
"Ilang libong taon na ang nakalipas, at ito ang unang pagkakataon na napakasaya ng lugar na ito."
Biglang nagsalita ang matandang lalaki na umaaligid sa itaas ng black scaled dragon. Sabay tingin niya kay Darryl at sa iba pa.
Ang kanyang boses ay malakas at malinaw; ito ay nakakabigla.
Nanginig ang katawan ni Darryl nang marinig ang boses ng matanda. Noong mga oras na iyon, hindi pa niya kilala kung sino ang matanda, ngunit laking gulat niya nang marinig ang boses nito.
'Ito ay isang pagbabago lamang mula sa enerhiya; hindi siya totoong tao. Paano siya nakakapagsalita?'
'Mula sa kanyang kasu