”Anong gusto mong gawin ko?” Ngumiti si Darryl at inunat ang kaniyang kamay nang muli siyang sumugod.
Nakita ang ngiti sa mukha ni Darryl. Sabay itinaas ni Darryl kaniyang kamay at sinara ang acupoint ni Jackie.
Nanginig ang katawan ni Jackie at hindi ito makagalaw.
“Bitawan moa ko, Darryl. Umalis ka!” Hindi tumitigil sa pagsigaw si Jackie. Nang isinara ni Darryl ang kaniyang acupoint ay hindi ito makagalaw! Patuloy lamang ang pagsigaw niya.
Natawa si Darryl.
“Paano kung ayaw kong umalis?” Ngumiti si Darryl at tiningnan nito si Jackie. ‘Hayop, ninakaw niya ang exquisite pagoda ko, tatlong taon na ang nakaraan, pagtapos ay iniwan niya ako para mamatay sa kwebang iyon.’
‘Ngayon ay gusto niya pa akong bawian ng buhay.’
Ngumiti si Darryl nang asarin niya si Jackie. “Alam kong ayaw mo sa akin, Jackie. Kinamumuhian mo ako sa apgkuha ng iyong pagkabirhen pero huwag mong kakalimutang ikaw ang naunang sumugod sa akin, tatlong taon na ang nakaliaps. Halos naging sanhi ka ng pagkamatay ko.