Makalipas ang ilang minuto, hindi na ito natiis pa ni Melody. Sinuntok siya ni Jackie sa likod. Nanginig ang kaniyng katawan at natumba siya sa sahig.
Sinamantala ni Jackie ang pagkakataon para ipagpatuloy ang kaniyang pag-atake; mabilis siyang pumunta sa harapan ni Melody at tinaas ang banayad nitong kamay para mabilis na isara ang acupoint ni Melody.
Nag-iba ang magandang mukha ni Melody; hindi ito makagalaw.
“Kataas-taasan ang master!”
Sa pagkakataong iyon ay lumapit ang isa sa mga alagd ni Jackie at binigyang papuri ito. Pagtapos ay nilabas niya ang kaniayng longsword. “Alagad ni Darryl ang babaeng iyan, Sect Master. Patayin nalang natin siya!”
Tinitigan ng alagad si Melody at sikretong nagningning ang kaniyang mga mata habang nagsasalita.
‘Ang ganda, napakaganda, napakaswerte ng Darryl na iyon! Mayroong siyang ilang magagandang abbae bilang kaniyang soulmate, mayroon din itong magandang babaeng alagad.’
Naisip nilang sayang lang kung papatayin nila ang napakagandang babae.