”Darren!”
Banayad na nagsalita si Clarice nang makita niyang malalim ang iniisip ni Darryl. “Bakit hindi moa ko ibaba? Hayaan mong i-cultivate ko ang internal na enerhiya ko. Maaari kang maglakad lakad sa paligid para makita kung may bakas ng mga kapatid ko.”
Tiningnan ni Clarice ang kapaligiran nang sabihin niya iyon. Mas ligtas ang lugar na iyon kaysa sa tabing ilog. Ang pinakamahalaga ay isa siyang babae, kaya hindi siya maaaring buhatin ni Darryl sa lahat ng oras.
“Sige.”
Tumango si Darryl nang ilapag niya si Clarice. Pagtapos ay naglibot siya para magtingin tingin.
Bang!
Hindi nito alam kung gaano na kayalo ang kaniyang nilakad nang marinig niya ang isa pang pagyanig mula sa ibang lugar sa kaniyang harap. Binilisan niya ang paglalakad at narating niya ang lokasyon. Kaagad siyang nagulat.
Nakita niya ang isang nakakamanghang anyo ilang dosenang kilometro ang layo. Mukhang naliligaw at gulat ang maganda nitong mukha; gulat na gulat ito.
Iyon ay si Melody.
“Master?”
Nakita