Iyon…
Natigilan dito si Fang Mao. Tahimik nitong tiningnan si Sara. Pagkatapos ng ilang segundo ay huminga ito nang malalim habang sinasabi na, “Pasensya na pero hindi ako tumatanggap ng apprentice.”
Dito na nagalala si Sara habang sinasabi na, “Kunin niyo na po ako bilang inyong apprentice. Hinding hindi po ako tatayo rito hangga’t hindi niyo po ako tinatanggap.”
Hindi nagpakita ng kahit na anong emosyonal na pagbabago ang mukha ni Fang Mao nang marinig niya ito. Dito na niya kalmadong sinabi na, “Bahala ka na!” At pagkatapos ay bigla na itong tumalikod at naglakad papasok sa kuweba para humiga at hindi nagtagal ay agad na itong nakatulog nang mahimbing.
“Bakit masyadong nanlalamig ang lalaking iyon?”
Naramdaman ni Sara na wala siyang magawa nang makita niya iyon, pero nagdesisyon pa rin ito na magngitngit habang lumuluhod sa kaniyang puwesto. Kahit na siya ang pinakaiingatang anak na babae ng pamilya Carter na naging dahilan kung bakit siya nasanay sa marangyang pamumuhay, nagka