Habang naiirita si Chester sa kaniyang sarili ay narinig ang sunod-sunod na malakas at nakakatakot na tawa mula sa labas. Pagtapos ay dahan-dahang pumasok ang dalawang tao. Iyon ay sina Zhang Jue at Paul.
Mayroong hindi magandang ngiti sa mukha ni Zhang Jue sa miserableng tanawin ng selda. Kinausap nito si Chester. “Nasorpresa ka ba, Sect Master?”
Hindi sumagot si Chester habang nakatitig ang kaniyang mga mata kay Paul. “Isa kang traydoe, Paul?”
Hindi nataranta si Paul kahit na naramdaman ni