Habang naooverwhelm sa dami ng mga tanong sa kaniyang isipan, nagtanong na rin si Lillian, “Kung ganoon ay mayroon ka bang gamot para rito?” Nilagay niya ang kaniyang kamay sa kaniyang noo. Nagsisimula na siyang mahilo sa mga sandaling ito at habang mas parami nang parami ang kaniyang nalalanghap ay mas pahina nang pahina ang kaniyang pakiramdam.
“Ako—” Sasagutin na sana siya ni Darryl sa pamamagitan ng pagsasabi na mayroon siyang gamot para rito pero hindi pa niya natatapos ang kaniyang sinasa