“Wild Wolves Clan, umatake na kayo ngayundin!” Dito na itinaas ni Amastan ang gawa sa buto niyang blade bago sumigaw nang malakas.
Owooooo!
Kaagad na narinig ng lahat ang alulong ng mga lobo na nagmula sa panig ng Raksasa. At pagkatapos ay agad na nakita ng lahat ang mga sundalong nakasakay sa likuran ng mga lobo na sumusugod papunta sa panig ng Nine Mainland. Pareparehong nakasuot ng itim na armor ang mga ito habang hawak hawak ang kumikinang nilang mga bolo at naglalabas ng isang nakakatakot