”Marangal na Anak!” Mukhang may naalala ang isa sa mga heneral kaya magalang itong nagtanong. “Dahil patay na ang Marangal na anak, anong kailangan nating gawin sa dalawang babae mula sa Nine Mainland?”
Noong buhay at malakas pa si Alaric ay walang nagtangkang hamakin sina Debra at Shentel. Pero hindi na nila kailangang respetuhin ang dalawang babaeng iyon dahil patay na si Alaric.
Kinonsidera ni Amastan ang tanong at nakita ang interes sa kaniyang mga mata nang banggitin ang dalawang babae.