Kabanata 225
Bahagyang ngumiti si Abby at tumingin kay Darryl. “Oo, niligtas mo nga ako noong kasal ni Jackson, pero binigyan naman kita ng spiritual herb bilang kapalit nito. Hindi ka magiging isang cultivator kung wala iyon. Matagal ko nang nabayaran ang utang kong iyon sa iyo.

Wala nang nagawa pa rito si Darryl. Mapait siyang ngumiti at sinabing, “Sige, dahil quits na rin naman tayo, bakit mo ako kinidnap ngayon?”

Humigop si Abby sa kaniyang wine glass at nanlalamig na sinabing, “Ganiyan ka ba talaga kainosente, o nagmamaang maangan ka lang sa harap ko ngayon? Nagpadala ang aking kuya ng mga tao para kidnapin ang asawa ni Dax Sanders, pero pinigilan mo ang mga ito. Napakalakas din ng loob mo para manghimasok sa isyu ng aming pamilya.”

Nanlalamig niyang tiningnan si Darryl.

Nakakaubos ng hangin ang tindi ng tensyon sa loob ng kuwartong ito.

“Kung ganoon, dahil pala ito roon.”

Natuwa rito si Darryl, tumitig siya sa mga mata ni Abby at sinabing. “Kaibigan ko si Dax kaya itinuturing ko na ring
Continue lendo este livro gratuitamente
Digitalize o código para baixar o App
Explore e leia boas novelas gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de boas novelas no aplicativo BueNovela. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no aplicativo
Digitalize o código para ler no App