Nang sandaling iyon ay naging seryoso ag mukha ni Darryl. “Hindi ito ang lugar kung saan maaari kang manatili ng matagal. Please, sundan mo ako, ngayon na. Ipapaliwanag ko sayo ang lahat kapag nakarating na tayo sa ligtas na lugar.”
Lumapit si Darryl at hahawakan na nitong muli ang kamay ni Debra.
Katunayan ay gusto na niyang ibunyag ang tunay niyang pagkatao, pero kinontrol niya ang kaniyang sarili. Nabura ang memorya ni Debra at kinamuhian nito si Darryl dahil sa impluwensya ni Donoghue. Nag