“Kahanga hanga ang ginawa ninyo, Master Darby! Nagawa niyo pong paalisin si Jackie kanina.”
“Oo nga! Hindi na ako magtataka kung bakit kayo naging maimpluwensyang tao!”
Nagbigay respeto ang mga bisitang ito kay Darryl at sinubukang pasiyahin ito. Pero wala ngayon sa mood si Darryl para makipagusap sa mga hipokrito sa kaniyang paligid. Kaya ngumiti na lang siya at nakipagpalitan ng ilang salita sa mga ito.
Wala ring naging pakialam si Jacob Yohan sa mga nakapaligid sa kanilang bisitan.
Noong una ay sinubukan ng mga ito ang lahat para matuwa si Jacob noong makita nila ang mga Violet Category na sandata ng Famed Sword Manor. Pero agad nila itong iniwasan na parang may nakahahawang sakit noong magpakita ang Sect Master ng Illusion Sound Sect na si Jackie.
Naramdaman ni Jacob na mas makakabuti para sa kaniya na huwag makipagkaibigan sa mga taong gusto lang magtake advantage sa reputasyong mayroon ang kaniyang sekta.
Nahiya nang manatili roon ang mga bisita noong maramdaman nila ang mo