Nagdilim na ang kalangitan. Napalitan ng kidlat at kulog ang maaliwalas na panahon sa mga sandaling ito habang nagsisimula ang pagulan nang malakas sa kanilang paligid. Naging reflection ito ng kasalukuyang mood ni Darryl.
Matapos ang ilang minuto, itinulak ng mga sundalo si Megan sa malalim na hukay at inilibing ito nang buhay.
Pero hindi pa roon tumigil si Ambrose. At sa halip ay nanlalamig itong nagutos ng, “Bantayan ninyo ang hukay na iyan nang dalawang oras. Siguruhin ninyong hindi siya makakatakas dito, pagkatapos nito ay maaari na kayong umalis.”
Hindi pa rin nawala ang galit sa puso ni Ambrose noong mailibing niya nang buhay si Megan. Kinakailangan niya munang makasiguro na hindi ito makakaligtas sa kaniyang parusa, dito lang niya magagawang makuntento.
“Opo, kamahalan!”
Mabilis na sumagot ang mga sundalo habang pinapaligiran ang hukay at tahimik itong binabantayan.
Ano?
Nanginig dito si Darryl, halos tumulo ang luha sa kaniyang mga mata.
Masyadong naging walang awa si