Bang!
Matinding tinamaan ng ginawang bola ng enerhiya nina Sloan at Ambrose ang Sky Breaking Ax. Naglabas ito ng tunog na nakawawasak ng daigdig.
Agad na namutla ang mukha ni Donoghue. Dumura ito ng dugo bago napalipad palayo. Sa kasamaang palad ay hindi na tuluyang bumalik pa ang kaniyang internal na enerhiya dahil sa tama ng Sky Breaking Ax. Kaya naman hindi nito naharangan ang pinagsanib na atake nina Sloan at Ambrose.
“Kamahalan.”
Nanginig si Debra at napabulalas ito nang makita niya iyon. Puno ng pag-alala ang maganda nitong mukha.
Nang sandaling iyon ay gusto nang magmadaling lumapit ni Debra para tulungan si Donoghue.
Pero nagsanib ng pwersa sina Ambrose at Sloan. Masyadong nakakatakot ang aura ng dalawa. Ngunit madaming mga sundalo ng New World ang nasa kaniyang daanan kaya hindi makalapit si Debra.
Buzz!
Iwinagayway ni Ambrose ang Tyrant Hammer at inatake si Donoghue.
Mabilis na itinaas ni Donoghue ang kaniyang Sky Breaking Ax para harangan ito. Pero masyado nang mara