Kabanata 1979
Nang marinig nila ang utos ni Darryl, gumawa ang kaniyang mga sundalo ng isang dumadagundong na sigaw na nagpayanig sa lupa. Agad silang sumugod sa Mt. Emei na parang isang malakas na alon habang malakas na nagsasagupaan ang dalawang mga panig.

Napahinga na lang nang malalim ang nagtatago sa isang sulok na si Debra. Bigla siyang nagalala sa kaniyang sarili nang husto. “Masyado nga talagang malakas si Darryl sa dami ng kaniyang mga sundalo. Magawa kaya ng Emei at ng ibang mga sekta na talunin ito?”

Naramdaman ni Donoghue ang pagaalala ni Debra. Bahagya siyang ngumiti at mahina itong kinomfort. “Huwag kang magalala Senior dahil hindi magagawang manalo ni Darryl sa labang ito.”

Sinilip niya ang nakikipaglabang si Darryl nang may kaunting pagkademonyo sa kaniyang mga mata.

Dito na tumindi nang tumindi ang kanilang laban.

Masasabi ng kahit na sino na kabilang ang hukbo ng Westrington sa pinakamalalakas na hukbo sa siyam na mga kontinente. Masyado nang mataas ang reputasyon ng mga ito.
Sigue leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la APP
Explora y lee buenas novelas sin costo
Miles de novelas gratis en BueNovela. ¡Descarga y lee en cualquier momento!
Lee libros gratis en la app
Escanea el código para leer en la APP