Kabanata 1966
“Maling tao?” Natitigilang nagtinginan sina River at Ocean. “Sigurado ako na siya si ate Debra. Paano tayo nagkamali?”

Napakamot na lang si River sa kaniyang ulo, awkward itong ngumiti at sumagot ng, “Huwag ka ngang magbiro, ate. Hindi ba’t nandito ka rin para hanapin si Kuya Darryl? Narinig kong siya na raw ang bagong Emperor ng Westrington. Natutuwa kami ng kapatid ko para sa kaniya.”

Ngumiti naman si Ocean at nagpatuloy sa pagsasalita. “Oo nga. Pagkatapos nating magpahinga ay magpunta na tayo sa Royal City nang magkakasama para hanapin si Kuya Darryl.”

Nafrustrate naman si Debra habang ipinapadyak ang kaniyang mga paa. “Hindi ko naiintindihan ang mga pinagsasabi ninyo. Hindi niyo ako ate. Siguradong nagkakamali lang kayo sa akin.”

“Siguradong may problema sa kanilang mga utak ang dalawang ito. Sinabi ko nang nagkakamali sila pero hindi pa rin sila tumigil sa pagtawag sa akin na ate.”

Tuluyan nang natigilan sina River at Ocean nang makita nila kung gaano kadeterminado si Debra.
Sigue leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la APP
Explora y lee buenas novelas sin costo
Miles de novelas gratis en BueNovela. ¡Descarga y lee en cualquier momento!
Lee libros gratis en la app
Escanea el código para leer en la APP