Mukhang hindi natuwa rito si Darryl. “Sino kaya ang dapat na mahiya sa kaniyang sarili?”
“Ano ang ibig mong sabihin!?” Sigaw ni Markus habang isinasara ang kaniyang kamao at pinagbabantaang susuntukin si Darryl. Isa siyang PE teacher na may matangkad at magandang pangangatawan. Kaya wala lang para sa kaniya ang pagbugbog sa batang ito.
Sakto naman ang ginawang pagawat ni Lana sa kaniya. “Huwag kang magpadala sa emosyon mo, Markus!”
Kahit na nagawang tulungan ni Lana si Darryl, Nafrustrate di