Nung nakita niya ito, nainis si Lord Kenny. Inihampas niya ang kamay niya sa dragon chair at cold na sinabi, “Sige, sige. Tumahimik na kayo. May plano bang gumagana?”
Habang nagsasalita siya, kaagad tumahimik ang main hall.
Dahil naramdaman nila ang galit ni Lord Kenny, napayuko agad ang mga ministers at hindi sila nagtangka kahit huminga.
Nung mga sandaling yun, mabagal na naglakad si Ambrose papunta kay Lord Kenny at yumuko sa kanya habang magkasama ang mga kamao nito. “Father, may suggestion ako!”
“Sabihin mo na ito kaagad, Ambrose!” nakangiting nagmamadali si Lord Kenny papunta sa kanya. Kasabay nito, hindi niya rin nakalimutan na samaan ng tingin ang mga ministers
Ang mga taong ito ay binabayaran sa kanilang mga trabaho para ipakita ang loyalty nila. Pero, kahit na matatamis at nakakamangha ang mga sinasabi nila, sa mga kritikal na mga panahon, wala sa kanila ang maasahan. Sa huli, nakasalalay ito kay Ambrose.
Napabuntong hininga si Ambrose at mahinang sinabi. “Dahil hindi pu