Alam niya na sinasadyang asarin ni Darryl ang kaniyang ina, kaya hindi siya nagalit nang dahil doon.
“Sige, lalabas na muna ako para ikuha kayo ng makakain,” sagot ni Darryl bago siya tumalikod at maglakad palabas ng cabin.
Istrikto ang mga patakaran sa Holy Saint Sect. Kaya sa bawat sandaling lalabas ang mga ito para sa isang pagsusulit, hindi sila pinagbibigyang magkaroon ng kanikaniyang mga kusina sa loob ng kanikanilang mga cabin.
Kumuha si Darryl ng kaunting pagkain sa kusina, at suma