“Oo nga, gusto mo na bang mamatay?” Sigaw ng nafufrustrate na si Kent.
Hindi kaagad sumagot sa mga ito si Darryl. Ikinaway lang niya ang kaniyang mga kamay at sinabing, “Sige kung ganoon, kayo nang dalawa ang gumamot sa kaniya.”
Hindi na nakapagsalita pa ang dalawang ito. Paano nila magagawang gamutin ang iniindang sakit ng asawa ni Dax!
“Sige, manahimik na kayong dalawa,” Ibinaba ni Dax ang kaniyang mga kamay. Dahan dahan niyang ibinaba si Nancy para paupuin sa kandungan ni Darryl.
“Dax, hu