Pero hindi galit si Celine. Tumingin ito kay Darryl at mahinang nagsalita. “Okaay, ibaba mo ako. Naroon parin si Queenie nag-aantay na sagipin mo siya.”
F*ck…
‘So, alam niyang umaarte lang ako?’
Nagulat si Darryl; tumitig ito kay Celine. “Alam mong sinadya ko iyon?”
‘Napaka mapagmasid ng babaeng ito. Paano niya nalaman, napaka propesyunal ng pag-arte ko?”
Nagbuntong hininga si Celine at mabagal itong nagsalita. “Sinabi sa akin ni Queenie na isa kang mabuting tao. Naniwala ako sa kaniya