“Oh!” Nagulat ang Eldest Dragon nang may makakilala sa kanila. Dito na niya nakangiting tiningnan si Celine at sinabing “Hoy Ganda! Mukhang itinadhana talagang magkrus ang ating mga landas! Alam mo na pala ang tungkol sa amin—ang Four Dragons at Four Phoenixes!”
Kaagad namang sumali sa tawanan sina Second Dragon, Third Dragon at Fourth Dragon.
“Oo nga!”
“Isang biyaya na makakilala kami ng ganito kagandang babae…”
Nanunuksong nagsalita ang apat habang dahan dahang tinitingnan ang hubog ng