Paano muling nabuhay si Diaochan? Nang sandaling iyon ay gulong gulo si Gonggong, hindi nito alam kung ano ang nangyayari.
“Gonggong! Dahil muling nabuhay si Diaochan, nakakalungkot para sabihin ko sa iyo na maya maya lamang ay mabubuhay ring muli si Lu Bu. Gusto mo bang malaman kung paano ko nakuha ang Blood Battle Eight Directions Scripture? Nakuha ko to nang may biyaya ni Diaochan!” Ngumiti ito nang gumawa siya ng mga istorya nang makita niya ang ekspresyon ng mukha ni Gonggong.
Sa parehong sandal ay tumingin sa paligid si Darryl at nagpatuloy ito sa pagsasalita. “Sa madaling salita, Kaibigan ako ni Lu Bu. Kung gusto ninyo akong hamakin, isipin ninyo ang mga dapat niyong pagbayaran kapag nagising na si Lu Bu.”
Mukhang mayabang si Darryl nang sabihin niya ito, pero sa totoo lang ay medyo kinabahan ang lalaki.
Sinabi ito ni Darryl para takutin si Gonggong at ang iba pa. Sa katunayan ay isa lang ang Mystic Sky Golden Elixir na nasa palasyo at nagamit na ito ni DIaochan. Hindi na mu