Ilang minutong nag-obserba si Darryl bago ito huminga ng malalim at nagsalita. “Debra, mamaya ay tatayo ka sa kanan ng jade altar. Bubuksan natin ang ating internal na enerhiya para sirain ang protective shield.”
Naisip nito ang solusyon. Yin yang Reverse Murderous Formation ang protective shield na nasa kanialng harapan. Naitala ng Bai Qi Formations ang high level formation. Ito ay gawa sa purong yang at yin na enerhiya. Umabot ng hindi bababa sa tatlong taon ang paggawa ng pormasyong ito, nabuo ang protective shield matapos nito. Tatalbog palayo ang sino mang didikit sa protective shield.
Hindi mawawasak ng isang tao ang pormasyong ito. Kailangan ng isang babae at isang lalaki para masira ito. Ang lalaki ang magsisilbing yang na enerhiya, samantalang yin na enerhiya naman ang babae. Sisirai ng lalaki ang yang at sisirain naman ng babae ang yin na enerhiya para mabali ang pormasyon.
“Okay!” Tumango si Debra bago ito pumunta sa kanang bahagi ng jade altar nang walang pag-alinlangan.