”Sino itong napakalakas na babae?”
“Mukhang SI Darryl ang kaniyang sadya!”
Nagtataka ang mga tao habang habang nagbubulungan.
Napatitig ang maraming kalalakihan kay Gonggong. Nabighani ang mga ito sa magandang katawan at magandang mukha ng babae—perpekto ang pagkakagawa rito tila ba ipininta. Walang salita ang makakapaglarawan dito!
‘Hayop! Bakit nandito nanaman ang babaeng ito?’
Natulala ito anng makita niya si Gonggong. Pero nanatili parin ang ngiti nito sa kaniyang mukha.
Personal nang naranasan ni Darryl ang taglay na lakas ni Gonggong—ito ay napakalakas at hindi maipaliwanag.
Pero binago niya ang kaniayng pag-iisio. Katabi nito si Zhu Bajie; hindi niya ito dapat katakutan.
“Darryl, Zhu Bajie. Kung nag-iisip kayo ay susundan niyo ako pabalik sa palasyo at aaminin ninyo ang mga kamaliang inyong nagawa kay Emperor Hou Yi!” Malamig na sabi ni Gonggong kay Darryl.
Kakatakas pa lamang nina Darryl at Zhu Bajie sa North Moana Palace. Inasar ni Zhu si Chang Er. Galit na galit si E