Napakataas ng narating ni Ford sa kaniyang pagcu-cultivate at hindi na nabulok pa ang katawan nito matapos niyang mamatay. Kaya naman na-preserba ang katawan nito nang makita nila ang lalaki.
“Master! Master!” Mabilis na niyakap ni Darryl ang katawan nito; namumula ang kaniyang mga mata.
Ramdam ni Darryl ang lamig sa katawan nito. Nahalo ang suot nitong damit sa kaniyang laman makalipas ang maraming taon—naghalo ang laman at damit para maging isa—isang malagim na pangyayari para makita ng isa