Namula ang mukha ni Fletcher nang harapin niya ang mga tanong ni Princess Evergreen.
“Nagkamali po yata kayo ng pangintindi, Princess Evergreen. Hindi ko po sasaktan ang eunuch na ito, nakikipagbiruan lang po ako sa kaniya,” Nakangiting sagot nito habang nakakaramdam ng frustration sa kaniyang loob.
Nakakatawa dahil nagawa ni Princess Evergreen na kilala sa pangaalipusta ng mga tagapaglingkod na ipagtanggol ang eunuch na ito. Isa itong pambihirang tanawin!
Kumunot ang noo ni Princess Evergree