Ugh! Umiikot na ang ulo ni Darryl. Ngumiti si Prinsesa Evergreen at nagtanong, “Mahal kong kapatid, anong pangalan mo?”
“Bakit kailangan mong malaman? Oo nga pala, may tanong ako para sa’yo!” sagot ni Darryl.
“Sige, ano ‘yon?” tumango ang Prinsesa nang hindi nag-iisip. Nakaramdam siya nang kakaibang saya kay Darryl. Sinunod niya ito nang walang pag aalinlangan.
“Mayroon dito sa palasyo na nagngangalang Quincy. Sino siya?” mabagal na tanong ni Darryl.
Noong sinabi niya ‘yon, tiningnan niyang