Malakas na mga sigaw ang narinig mula sa bibig ng Cult Master ng Grandmaster Heaven Cult, hindi ito tumitigil. Malakas at malinaw itong kumalat sa kagubatan.
Nang sandaling iyon ay nawala ang dating kamahalan at malakas nitong dating. Tuluyan na itong nabaliw!
‘Ba…baliw ba siya?’
Hindi lamang iyon, hindi rin nito kilala ang sarili.
Kinagat ni Monica ang kaniyang mga labi nang makita iyon.
Tama nga ang kaniyang hula. Wala sa tamang katinuan ang Cult Master nang sandaling iyon; mukhang ilang