Napabuntong hininga na lang ang kapitan ng mga bantay bago niya naaawang tiningnan si Ambrose.
Wala nang malay sa mga sandaling ito si Ambrose na nagtamo rin ng serysong mga injury matapos kaladkarin ng karwahe ang kaniyang katawan sa lupa. Pero wala pa ring plano si Lady Denise na pakawalan ito. Kaya wala nang nagawa ang kapitan kundi mapailing habang iniiwas ang kaniyang tingin kay Ambrose.
Durog na durog na ang puso ni Monica sa mga sandaling ito! Walang kahit na sinong ina ang makakatiis n