Hindi matago ni Lydia ang takot; nanginig ang kaniyang mga labi. “Pa, anong dapat nating gawin?”
Puno ng pait si Leroy. Hindi nito alam kung ano ang isasagot sa kaniyang anak. Hindi na sila makabalik pa.
‘Ito ba ang plano ng Diyos? Gusto ba akong wasakan ng Diyos? Hindi patas ito! Hindi patas!’
Naabutan na rin sila nina Dax at Chester! Nang mapagtanto nilang nasa talampas na ang mga ito ay kinuyon ni Dax ang kaniyang kamao at nagsalita. “Leroy Henserson, oras na para mamatay ka!” Nilapitan ni