Masaya din si James dahil si Thea ay meron nang third-rank Internal Energy. Ngayon, mapapanatag na siya at tumigil na sa pag-aalala na baka mapahamak ito.
Sa halip na sagutin si Thea, nilingon niya ang kuweba at tinitigan ang bukana nito.
Naunawaan kaagad ito ni Thea at tahimik lang na tumayo ng hindi na nagtanong pa.
“Haa…” Napabuntong hininga na lang si James.
Nung nagpakita ang lalaking pinaghihinalaan na lolo niya, tuwang tuwa siya at nababagabag.
Tuwang tuwa siya dahil buhay pa an