Palihim na sinusubukan ng apat na nakamaskarang lalaki na naka suot ng itim na balabal na pahabain ang laban.
Nahalata ito ni James at alam niya na ito ang perpektong pagkakataon upang isagawa ang plano niya. Sa oras na makahalata si Kennedy, imposibleng magawa pa ni James na patayin ang Emperor.
"Halughugin niyo ang buong lugar."
Habang hawak niya ang Blade of Justice, sumugod si James patungo sa gitna ng courtyard.
Dahil sa natamo nilang pinsala mula sa pag-atake ng apat na lalaki,