Kahit na si Gloom ay nasa Capital lang nitong nakaraan, alam niya ang lahat ng nangyayari sa Cansington.
Natural lang na narinig niya ang tungkol sa pangyayari kahapon, at nandito siya para makipag usap kay James.
“Hindi ka nag iingat.” Dumilim ang mukha ni Gloom.
“Huh?” Tumingin si James sa kanya.
Nagpatuloy si Gloom, “Nilabanan mo ng harapan ang Emperor. Kahit na napilit mo siyang pasabugin ang mga research laboratory niya, ang lahat ng ebidensya ay nasira. Ngayon, halos imposible nang mag