Natigilan si Thea.
“Pumunta si James sa cavern na ito para humanap ng paraan para malunasan ang lason?”
“Ginagawa niya ang lahat ng ito para sa akin?”
Pakiramdam niya bigla hindi niya maintindihan si James.
Napakarami na ang nagawa ni James para sa kanya at ngayon nagaalala pa siya para sa lason sa katawan niya. Samantalang siya, nagbibigay ng problema sa kanya.
“Ano…”
Binuka niya ang bibig niya pero wala siyang masabi.
Hindi siya binigyan pansin ni Quincy at bumalik na sa loob ng tent.
Nakapiki