Sinadya ni James na makipagkita sa Emperor para subukan siya.
Malakas ang reaksyon ng Emperor sa mga salita niya.
May hula si James tungkol sa motibo ng Emperor. May malapit siyang relasyon sa Gu raisers. Dagdag pa roon, may sikretong research facility sa Cansington, Lily City. Maski ang intelligence network ni Jake ay hindi ito kayang pasukin.
May kutob si James na ang konektado ang research facility na ito sa parasitic venom.
"Mag-ikot tayo," utos ni James kay Quincy.
"Sige." Tumango